Sometimes during our lunch break, my teammates and I would go to Tower Records to check the latest hits. Today, we decided to go to the OPM section. Our eyes feasted on the not-so-famous and totally forgettable artists. And since I have my handy cellphone with me, I decided to take some pictures of the album covers that amused me. :)
(10) Kailangan ba na kapag nakipagbreak sa bf e me album na kaagad? And so what if she's moving on... ano na naman to? a compilation of heart break songs. Yes, Emote na emote.. hehehehe.

(9) Destiny? So, is she destined to be a a star? Hmmm.. I don't know (her!). And in an attempt to make the album affordable, aba hindi na nila nilagay sa plastic na case. Nasa paper case na lang sya...katulad ng mga pirated cds na nakikita ko along parksquare pag papunta na ako sa terminal ng fx.  (8) Kailangan ba talaga na half-naked sya? Kala ko ba undercovers ang title ng album nya? Sana dun na lang sya sa ilalim ng kumot, di ba?

(7) Kala ko nung una si Wowee De guzman to'... Sino na naman to'? parang nagpatahi pa sya ng polo para sa photo shoot ng album nya. Aakalain mong kundiman ang mga kanta nito e, pano ba naman masyadong bulaklakin ang polo nya noh? 
(6) Uy, si Danica me album. Huh? Ang ganda... parang sinabunutan. Sa biglang tingin yung shiny pink lips lang ang mapapansin mo sa cd na to e'. 
(5) Banares Brothers. Ang cute nila noh...ginawan pa nila ng cd yung nanay nila. Enough na yung gumawa sila ng cd at binigay nila sa nanay nila e. Bakit kailangan pang ibenta sa iba? Di ko talaga lubos na maunawaan ito. Ang babata pa, ang kakapal na ng make-up! Tsk.tsk..  (4) Ganda ng lola mo! Akalain mo nga naman. Punong puno ng alahas ang lola mo, parang galing Saudi!
(3) Kala ko me album na si Mel Feliciano e.. ibang Mel pala ito. Si Mel.. The Singing Soldier. Hmmm... So, ganun. Feeling nila unique yun. E kung gumawa din ako ng (photo) album -- Celgee the singing programmer.
(2) Si Papa Jimboy din pala nagka-album... kelan kaya ito? Before o after ng relasyon nila ni Mahal. Masyadong plain ang title.. tipong "Jimboy, moving on" or "Dahil MAHAL kita: A tribute"... hahahaha.
(1) Syempre save the best for last. Oo AT hindi??? Parang mali? Pilipino naman sila... wrong grammar pa. Hay. Uy, Close-up smile, pustiso naman. (sa unang tingin nga, napagkamalan pa ng officemate ko na si Sam Milby daw yung nasa cover...) hahaha... take note, "Includes the Hit songs: Mahal mo pa ba ako * Oo at Hindi * Pogi Naman Ako". So, what are you waiting for? Bili na sa inyong suking tindahan... * Special thanks to Tower Records for the allowing me to take pictures of these beloved album covers. ;) |
Ok mga top ten mo. Gusto rin ng ganito. Di ko kaya ginagawa mo eh.